Search This Blog

Tuesday, September 21, 2010

wala lng...

malapit na ang aking kaarawan, malapit na din ang pagsapit ng taong-taong pag gunita sa pag panaw ng aming "tatang"...minsan naalala pa din ang mga bagay na dating ginagawa kasama sya, mga panahon ng pagtawa, mga lungkot at pagtatanong sa isat-isa, ano na nga ba ang mangyayari sa aming dalawa...

masaya syang kasama kasi parang walang problema, lagi syng nakatawa, laging may ngiti sa kanyang mga mata...walang pag aalinlangan na may kapayapaan at saya sa kanyang buhay...

mga alaala na lamang ang mga iyon..lagi kong naiisip na sana pala, nung mga panahon na nagawa sya ng mga kwento at tula sana naitabi ko ang mga ito, at nagawan sya ng "blog site"..hehehe..magaling syang sumulat...makata, at nakakatawa...

sayang..sayang...iisipin kong muli ang mga gintong aral at kwentong walang pagod nyang ibinabahagi sa aming mga apo nya...ang tawag daw dito ay "indigenous knowledg" pambihira may tawag pala dun...hahaha...

pilitin kong isulat ulit at ikwento ang mga iyon....di pa naman siguro huli ang lahat....sa susunod...may laman na at saysay ang isusulat ko...sa susunod...kailan kaya ito? pwedend mamaya, bukas, sa isang araw, isang buwan...pero sana naman huwag na itong umabot pa ng isang taon o dekada...

No comments:

Post a Comment