Search This Blog

Tuesday, April 29, 2014

Manlalakbay tungo sa walang hanggang buhay


Aking minsan sa madalas na suriin ang dahilan kung bakit nga ba ako nandito sa mundo. Sa madalas na madaming ginagawa, kung ano-ano, at kung sino-sinong taong nakaka-daupang palad, pilit na hinahanap ang dahilan sa mga bagay na ginagawa. Sa madaming lugar na napuntahan at naapakan, aking hinahanap ang lahat ng kabauluhan, bakit ako nandito at anong dapat matutunan. Ako'y madalas na naibabalik sa aking pagkilala sa aking manlilikha, isang relasyon na tangi sya lamang ang nagtutugon sa mga tanong at mga kakulangan na nawala. Mas madalas naipapaala nga ng aking manlilikha ang kanyang pagmamahal at pag-aaruga, isang pagmamahal na hindi ko mawari at maunawaan, sa tuwing akoy nagkakasala at bumabagsak ang kanyang pagmamahal ang patuliy na nahugot sa akin at nagsasabing bumangon at muling lumaban. Sa kabila ng aking kahinaan, siya ang aking lakas at sandigan. Isang moog na talagang maasahan ng buo at walang pagaalinlagan. Sa patuloy na paglakad tungo sa aking paroroonan, siya na lamang ang lagi kong titingan at pagkakatiwalaan.

No comments:

Post a Comment